Articles

Tanging Ikaw Ang Nais Niyang "Kasayaw"! LUKE MEJARES Launches His New Album!


Last Tuesday ay ginanap ang pinakahihintay na album launch ni Luke Mejares para sa kanyang pinakabagong handog, ang "Kasayaw."

Nagperform si Luke Mejares sa harap ng members of the press, mga kaibigan, at kanyang pamilya. Bagong tunog mula kay Luke ang nasaksihan kagabi with all the dance moves and fast songs.

Ayon kay Luke, ang album na "Kasayaw" ay isang tribute para sa OPM disco songs simula nung 70's hanggang 90's. Binubuo ito ng anim na awitin kabilang ang "Babaero" ni Randy Santiago, "Macho Gwapito" ni Rico J. Puno, "Magsayawan" ng VST and Company, "Iyong Iyo" ni Ogie Alcasid, at ang "Kasayaw" na pinasikat ni Archie D, na nandoon din para suportahan ang album launch ni Luke. Archie D even treated the crowd with a one-song performance.



With our exclusive interview with Luke Mejares, he shared his experience in making the album saying, "Nung time na ginawa ko yung album, wala akong recording company so ako yung nagayos ng rights, ako lahat ang nagpa-areglo." Nagpapasalamat din si Luke kay Bimbo Yance ng True Faith sa pag-produce ng "Kasayaw."

Kilala si Luke sa love songs at R&B kaya naman isa itong malaking risk para sa kanya na pasukin ang kakaibang genre ng Dance music.

Ayon kay Luke, nais niyang ipakita na kaya niyang kumanta ng mga dance songs lalo na sa mga gigs. "Sa gigs kasi, first part love songs tapos yung second part, dance songs." Kaya nakatulong din ito na maging kampante si Luke na magugustuhan ng publiko ang ganitong tunog mula sa kanya.

"Feeling ko up and coming ulit ako!" said Luke nang tanungin namin siya kung ano ang feeling na na-launch na ang kanyang panibagong album. "5 years na wala akong album kaya sobrang saya at nakakatuwa na andyan ang MYX para magsupport."

Luke definitely enjoyed the night as he sees the crowd grooving to his music. "Nakakatuwa dahil yun talaga yung goal ko na through my songs eh mapapasayaw sila," he says. 

Makisayaw sa bagong tunog ni Luke Mejares sa bago niyang album na "Kasayaw" under Ivory Music and Video!

Mapapanuod na rin ang music video ng "Babaero" sa MYX!


Related Articles:
Sumayaw Sa Bagong Tunog Ni LUKE MEJARES!



  • Julven Malones posted 1 year ago

    you

  • I.Am.A.SONE/SEOMATE posted 1 year ago

    a

Top Stories

  • The Useless Box: What Does It Do? Posted 39 minutes ago

    Watch the video here and find out if this box is really useless!

    Read More
  • This Rock Cover Of 'N SYNC's 'Bye Bye Bye' Will Blow You Away Posted 19 hours ago

    "Bye Bye Bye" could have been an amazing rock song. Watch the video here!

    Read More
  • Here's A Quick Look At Your PHILPOP 2014 Top 12 Finalists! Posted 19 hours ago

    Who will take home the grand prize this year? Take a look at your finalists here!

    Read More
1234...Next »

Features

  • The MYXclusive TAYLOR SWIFT Issue Coming To You This July! Posted 15 days ago

    See what's inside the Taylor Swift MYXclusive issue from MYX Magazine!

    Read More
  • Celebrate Independence Day With These Pinoy Pride Tracks! Posted 1 month ago

    Belt out your patriotism to these nationalistic tunes!

    Read More
  • Congratulations To The Winner of MYX Takes You To COLDPLAY Promo! Posted 1 month ago

    Congratulations to this young Coldplay fan! Find out who she is here!

    Read More
  • GO Na! to ‘Nokia X Races’ in MOA Posted 4 months ago

    It is time to Xcelerate your smartphone experience and take it to the eXtreme level with Nokia X!

    Read More
1234...Next »