Articles

"Burado" Ang Ilang Trabaho Para Mas Makasama Pamilya Ko Sa 2013: RICO BLANCO


Maganda ang naging takbo ng career ni Rico Blanco noong taong 2012. 

Nag-labas siya ng ikalawang solo album na tinawag niyang "Galactik Fiestamatik" mula sa Warner Music Philippines. Bagong tunog at atake, iba sa kinagawian na nating tunog ng Pinoy pop, ang kanyang ipinarinig dito. 

Ipinakilala niya din sa atin ang kanyang bagong persona na si Fiesto Bandido. Naging patok sa publiko ang dalawang music videos niya para sa  mga singles na "Amats" at "Burado". 

Naging bahagi din siya ng Summer MYX Fest sa Boracay, at ng nakaraang MYX Mo! 2012 sa Marikina.

Malinaw na naging busy ang singer/songwriter noong nakaraang taon. Kaya naman nang tanungin namin siya kung ano ang kanyang New Year's resolution, mas nanaisin pa daw niyang huwag paunlakan ang ilan sa kanyang mga proyekto at tugtog, kaysa mawalan ng panahon sa kanyang pamilya.

"Ako gusto ko baguhin, siguro ano, mas babawasan ko 'yung trabaho, mas mag-s-spend ako ng time sa pamilya ko, sa mga parents ko tsaka sa mga kapatid ko," sabi niya pagkatapos ng pagtatanghal niya sa MYX Mo! 2012. 

"Kung pwede kong tanggihan yung ibang trabaho sana. Sana magawa," dagdag pa ni Rico.

Panooring ang interview ng MYXPH.COM mula sa MYX Mo! 2012 sa ibaba.


Ikaw, willing ka bang ipagpaliban muna ang ilan sa mga dapat gawin sa trabaho o eskwela upang makasama ang mga mahal mo sa buhay?


Related Articles:
New Year's Resolution Ni K.A. ANTONIO For The Past 5 Years, Matupad Na Kaya This 2014?
RON HENLEY Dagdag-Bawas Ngayong 2014!
ANGELINE QUINTO Isang Bagay Ang Gustong Baguhin Ngayong Taon!
Healthy Living Ngayong 2014 Para Kay ABRA?
Ano Ang Gustong Ma-Achieve Ni GLOC-9 This Year?



Top Stories

  • Join Us At The Biggest Sing-Along Party of the Year – #MYXMo2014! Posted 3 hours ago

    Join your favorite artists at the biggest sing-along party of the year!

    Read More
  • TOKIO HOTEL Answers Some Questions From Their Fans! Posted 3 hours ago

    Tokio Hotel took some time to answer some questions sent by their fans! Read on for more!

    Read More
  • MOIRA Launches Self-titled Debut Album Posted 21 hours ago

    The voice behind commercial jingles is now the voice of modern pop!

    Read More
1234...Next »

Features

  • Join Us At The Biggest Sing-Along Party of the Year – #MYXMo2014! Posted 3 hours ago

    Join your favorite artists at the biggest sing-along party of the year!

    Read More
  • TOKIO HOTEL Answers Some Questions From Their Fans! Posted 3 hours ago

    Tokio Hotel took some time to answer some questions sent by their fans! Read on for more!

    Read More
  • DJ ARTY Returns To Manila! Posted 23 hours ago

    The Russian DJ-producer brought Pinoy club-goers to their feet! Read on for more details!

    Read More
  • MYX VJs Battle Creepy Clown in "KADENA" Today at 5:30PM! Posted 1 day ago

    We're bringing back your favorite MYX Halloween Short Films! Read on for more - if you dare!

    Read More
1234...Next »