Isang Tulog Na Lang, MYX Mo! 2012 Na!!!
Posted 5 months ago
Bukas na ang pinaka-aabangang concert ng taon! Maki-saya sa amin sa Marikina Sports Park para sa MYX Mo! 2012
By: Miro Valera

Ang pinaka-masayang Christmas party ay mangyayari na bukas!
Isa na namang taon ang lumipas. Isa na namang makabuluhang panahon para sa musikang Pinoy ang ipagdiriwang.
Halina at makisaya sa MYX Mo! 2012!
Bilang pasasalamat sa inyong patuloy na pag-tangkilik sa No.1 music channel ng Pilipinas, idadaos ang ika-labindalawang anibersaryo ng MYX bukas, December 18, mula alas-4 ng hapon, sa Marikina Sports Park.
Heto na ang listahan ng mga magtatanghal:
RICO BLANCO
CALLALILY
6CYCLEMIND
SPONGE COLA
CHICOSCI
PEDICAB
URBANDUB
NEVER THE STRANGERS
EBE DANCEL
KAMIKAZEE
KRISSY & ERICKA
GRACENOTE
SLAPSHOCK
WOLFGANG
OKTAVES
TANYA MARKOVA
TYPECAST
PUPIL
MOONSTAR88
ABRA
YOUNG JV
QUEST
YENG CONSTANTINO
LOONIE
FREESTYLE
At kung hindi ka makakadalo sa Marikina, huwag kang mag-alala! Wala ka nang rason para hindi maki-party dahil mapapanood ang buong show at mga backstage highlights kahit saang parte ka pa ng mundo naroroon. Mag-log on dito sa
MYXPH.COM dahil naka-livestream ang MYX Mo! mula umpisa hanggang matapos. Sumali at makipag-chikahan sa aming chatroom! Masaya 'to!
Magkita-kita tayo bukas live, para sa MYX Mo! 2012 sa Marikina Sports Park, at online sa
MYXPH.COM.
Sinu-sinong performer ang excited ka nang mapanood bukas?